BACOLOD CITY – Naghanda rin ang ilang mga professional cavers sa Pilipinas upang tumulong sa rescue operations sa 12 soccer players at coach na natrap sa kuweba sa northern Thailand mula noong Hunyo 23.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod, inihayag ni Christoffer John Aquino, English teacher sa public high school sa Thailand at naging bahagi ng rescue team sa Tham Luang cave, sinabi nitong kaagad nagtipon-tipon daw silang mga miyembro ng Philippine Speleological Society Inc. (PSSI) Cave Rescue Team matapos na mabalitaan ang nangyari sa Chiang Rai province.
Ayon kay Aquino, marami ang rescue teams na kaagad nagresponde ngunit walang professional cavers o cave divers daw sa mga ito.
Samantala, dahil ang kagamitan ng PSSI ayon kay Aquino ay hindi papahintulutan sa commercial plane, naka-standby lang daw ang mga ito sa Cebu sa loob ng pitong araw.
Napag-alaman na ang pwede lang masakyan ng team nina Aquino ay ang military plane kagaya ng C-130, na maaari sanang makalapag sa Myanmar na mas malapit sa Tham Luang cave.
Gayunman, kahit makarating na raw sila sa site, hindi naman daw sila makakapasok ng basta-basta lamang dahil ang Cave Rescue Team ng Pilipinas ay wala namang imbitasyon mula sa gobyerno ng Thailand.
Sa ngayon nagmistulang international effort na ang rescue operations sa kuweba dahil una na ring nagpadala ng team ang China, Japan, US, British experts at iba pa.
BNN EVENING EDITION | 02.21.2019
BNN Noontime Edition | 02.21.2019
BNN Morning Edition | 02.21.2019
BNN Evening Edition | 02.20.2019
BNN Morning Edition | 02.20.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved