Reading Time: 1 minute

Pasok na sa finals ng “Asia’s Got Talent” ang Pinoy contestant na si Philip Galit o kilalang si Shadow Ace.

Ito ay matapos na makakuha ng golden buzzer sa mga judges sa semifinals.

Makakalaban niya sa finals ang Maniac family isang hip-hop dance group mula sa Taiwan at Indonesian singer Siti Saniyah.

Paglalabanan ng mga contestant ang premyong katumbas ng mahigit P5 milyon.

Hinangaan ang kaniyang performance na hand shadow performance na may halong komedya.

Umaasa rin ang ibang mga Pinoy contestants na sina Eleana Gabunada at ang dance group na Junior Good Vibes na makapasok din sa finals.