TUGUEGARAO CITY – Pumalo sa 17 degrees Celcius ang temperatura sa lungsod ng Tuguegarao.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni weather forecaster Lito Aquino, naitala ang nasabing temperatura kaninang alas-6:30 ng umaga.
Ayon kay Aquino, mas mababa ito kumpara sa 18.5 degrees Celcius na record kahapon.
Sinabi ni Aquino na ito ang pinakamababang temperatura na naitala sa lungsod ng Tuguegarao sa unang bahagi ng buwan.
Matatandaan na ang pinakamainit na temperatura sa Pilipinas ay naitala sa Tuguegarao City, Cagayan na pumalo sa 42.2 degrees Celsius noong May 11, 1969.
Na-break nito ang dating record na 39.5 degrees Celsius noong April 29, 1912.
BNN Noontime Edition | 04.27.2018
BNN Morning Edition | 04.27.2018
BNN Evening Edition | 04.26.2018
BNN Noontime Edition | 04.26.2018
BNN Morning Edition | 04.26.2018
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved