Reading Time: 1 minute

Humingi ng tawad ang mga Filipino-american barbers dahil sa paggamit ng mga ito sa bandila ng Pilipinas bilang barber’s cape sa isinagawang Golden State Warrior’s Filipino Heritage Night sa Oakland, California.

Sa pahayag ni Jayr Mallari, myembro ng National Filipino Barbers Association (NFBA), ang intensyon umano ng kanilang grupo ay upang ipakita ang pagkakaisa ng mga Pilipino at ganda ng kultura sa Pilipinas.

Sa kabila ng pagbatikos dito ay nangako si Mallari na hindi na umano nila muling gagamitin ang kanilang mga Filipino Flag Barber Capes habang naggugupit ng buhok.

Kilala si Mallari bilang pesonal barber ng ilang NBA biggest stars tulad nina Stephen Curry, Levar Burton, Deandre Jordan, Chris Paul at marami pang iba.