ZAMBOANGA CITY – Todo panawagan sa lokal na pamahalan ng Zamboanga ang mga pamilya ng mga dinukot ng armadong kalalakihan sa Sulu noong nakaraang Sabado sa sports complex ng isang paaralan.
Emosyunal ang mga ito nanawagan kay Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco Salazar na tulungan sila dahil mahirap lamang ang kanilang pamilya at wala silang ibang pinagkukunan na panggastos araw-araw kundi ang pagiging contruction workers lamang ng kanilang mahal sa buhay.
Dagdag pa ng mga ito, hindi nila kayang ibigay ang hinihinging ransom money na nagkakahalaga ng P1 milyong ng mga pinaniniwalaang bandido.
Nanawagan din ang mga ito ng dasal para sa kanilang mga mahal sa buhay na sana makauwi pa ng ligtas at muling kapiling ang mga ito.
Kung maaalala, kinilala ang mga dinukot ng bandidong kalalakihan na sina Joel Adansa, Jung Guererro, Edmundo Ramos, Jayson Baylosis, na pawang mga residente ng Barangay Tumaga; at Jenly Miranda ng Barangay Pasonanca Zamboanga City.
Habang isa naman ang napaulat na nakatakas pero sugatan na si Larry Velasquez ng Barangay Tumaga ng nasabing lungsod.
Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad ang kinaroroonan ng mga biktima at ang grupo na resposable sa pagdukot.
BNN Noontime Edition | 04.27.2018
BNN Morning Edition | 04.27.2018
BNN Evening Edition | 04.26.2018
BNN Noontime Edition | 04.26.2018
BNN Morning Edition | 04.26.2018
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved