Sen. Manny Pacquiao
GENERAL SANTOS CITY – Dumukot ng sariling pera si Senador Manny Pacquiao para tubusin ang pagkasanla ng kalahating ektaryang lupain ng nagngangalang Carlito Baldovino mula sa Kabacan, North Cotabato.
Si Baldovino ay humingi ng tulong kay Agriculture Secretary Manny Piñol kaya idinulog sa senador.
Nalaman na ito na lamang ang nalalabing lupa ni Carlito na dalawang dekada ng nakasanla.
Matapos dumating ng GenSan ang pamilya ni Baldivino, agad silang hinarap ni Pacquiao at ibinigay ang P200,000 at dinagdagan pa ng P50,000 para magamit sa pagbalik sa Kabacan.
Binigyan din ni Piñol ng abono, semelya sa itatanim at isang power turtle si Baldivino para magamit nito sa pagsasaka muli sa kanyang lupa.
Nalaman na si Baldivino ay may anak na sundalo na namatay sa Marawi City.
Ang hakbang ni Pacman ay sa gitna ng kainitan ng kanyang training camp sa GenSan para sa laban kay Jeff Horn sa July 2.
Sa darating na Sabado ay inaasahang babiyahe na ang Pinoy ring icon patungo ng Brisbance, Australia.
BNN Evening Edition | 04.19.2018
BNN Morning Edition | 04.19.2018
BNN Evening Edition | 04.18.2018
BNN Noontime Edition | 04.18.2018
BNN Evening Edition | 04.17.2018
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved