You are here: HomeNews UpdateTop StoriesBasilan clash: Army officer patay, 4 sugatan

Basilan clash: Army officer patay, 4 sugatan

By  Bombo Mars deSan Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 18:12

ZAMBOANGA CITY - Isang Army officer ang napaulat na nasawi habang apat pang sundalo ang sugatan sa panibagong sagupaan laban sa Abu Sayyaf Group sa Barangay Cabcaban, Sumisip, Basilan.

 

Ito ay base sa inisyal na ulat na inilabas ni Major Filemon Tan Jr., ang tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom).

 

Ayon kay Tan, nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 19th Special Forces Company (19SFC) at 4th Special Forces Battalion (4SFB) ng Philippine Army sa pangunguna ni Capt. Dexter Bantog nang maka-engkuwentro nila ang hindi pa tinukoy na bilang ng mga bandido na nagmumula umano sa grupo ni ASG leader Furiji Indama.

 

Nakapagbigay naman agad ng reinforcement ang iba pang unit ng 104th Brigade at nagsasagawa na rin ng airstrike.

 

May mga napaulat ding casualty sa panig ng teroristang grupo na ngayon ay patuloy na tinutgis ng mga sundalo.

 

Hindi pa pinangalanan ng militar ang nasawing opisyal habang ang mga sugatan ay na-airlift na papunta sa Camp Navarro General Hospital sa loob ng WestMinCom sa Zamboanga City.

Read 221 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.