You are here: HomeNews UpdateTop StoriesDuterte, Abe nagkasundo sa anti-drug war sa Phl

Duterte, Abe nagkasundo sa anti-drug war sa Phl

By  Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 18:02

Ipinagpasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapahayag ng kahandaan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ng interes ng pagtulong sa kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas.


Sinabi ni Pangulong Duterte, nagkasundo sila ni Prime Minister Abe na magtulungan ang Pilipinas at Japan sa pagsusulong ng komprehensibong approach sa giyera laban sa illegal drugs trade.


Ayon kay Pangulong Duterte, habang isinusulong ng Pilipinas ang paggiba sa illegal drugs trade apparatus, tutulong daw ang Japan sa pagresolba ng drug addiction sa pamamagitan ng rehabilitasyon.


Una ng ipinaabot ni Prime Minister Abe ang pagsuporta sa anti-drug war ni Pangulong Duterte nang dumalaw ito sa Japan noong nakaraang Oktubre.


"Also, we both agreed to work together in pursuing a comprehensive approach in the war against the illegal drugs trade. As the Philippines pursues its campaign to destroy illegal drugs trade apparatus, we welcome the expressed interest of Japan to support measures to address the tremendous social cause of drug addiction, this includes rehabilitation," ani Pangulong Duterte.

Read 188 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.