You are here: HomeNews UpdateTop StoriesHalos 30 Miss U candidates, buhos na sa Phl

Halos 30 Miss U candidates, buhos na sa Phl

By  Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 17:32

Patuloy ang maya't mayang pagdatingan ng tinatayang 40 kandidata ng 2016 Miss Universe na inaasahang darating sa bansa ngayong araw.

 

Sa mga oras na ito ay 22 na ang mga dumating sa Pilipinas kabilang ang pambato ng Costa Rica, Nicaragua, USA, Canada, British Virgin Islands, Mexico, Namibia, Vietnam, Belgium, Uruguay, Argentina, Chile, India, Russia, Finland, Singapore, Mauritius, Czech Republic, Slovak Republic Cayman Islands, Great Britain, at Australia.

 

Kanina umaga lang din nang dumating sa Pilipinas si Miss Universe Organization president Paula Shugart.

 

Sa kabuuan ng 87 official candidates kabilang si Maxine Medina ng Pilipinas, 29 naggagandahang dilag na ang nasa bansa.

 

Kung maaalala, pinakaunang dumating sa bansa nitong weekend ay si Miss US Virgin Islands na sinundan ni Miss Guyana ng South America.

 

Habang isa naman sa pinaka-agaw pansin ay si Miss Thailand kung saan 17 bagahe ang dala nito sa kanyang paglapag sa NAIA kahapon.

 

Bukas, January 13, ay ang schedule ng 87 Miss Universe candidates na makompleto sa Pilipinas habang ang kanilang first stop sa araw ng Sabado ay ang isla ng Boracay.

Read 181 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 18:50

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.