You are here: HomeNews UpdateTop Stories'Japan, PH maritime and security coop, palalakasin'

'Japan, PH maritime and security coop, palalakasin'

By  Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 19:01

Nagkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe na palakasin ang maritime and security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan.


Sa kanilang joint statement, sinabi ni Pangulong Duterte na bilang parehong maritime nations, kapwa interes ng Pilipinas at Japan na panatilihing ligtas at secure ang karagatan sa rehiyon mula sa anumang banta.


Ayon kay Pangulong Duterte, inaasahang pagpapalakas sa defense capability, assets acquisition at upgrading ang magiging sentro ng nasabing ugnayan.


Umaasa ang Pangulong Duterte na sa lalong madaling panahon, mai-deliver na ng Japan ang lahat ng mga naipangakong coast guard vessels at mga bago pang ibibigay na gamit sa maritime patrol.


Sa panig ni Prime Minister Abe, inihayag nitong nagkasundo sila ni Pangulong Duterte na isulong ang payapang resolusyon sa territorial dispute sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pag-iral ng rule of law at pag-iwas sa militarisasyon ng karagatan.

Read 198 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 18:39

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.