You are here: HomeNews UpdateTop StoriesNext US top envoy umiwas punahin si Duterte

Next US top envoy umiwas punahin si Duterte

By  Bombo news team Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 16:14
Rex Tillerson Rex Tillerson

Umiwas si Secretary of state nominee Rex Tillerson na kondinahin at batikusin ang kontrobersiyal na kampanya sa iligal na droga ng Pangulong Rodrigo Duterte na nagdulot umano ng pagbuwis ng maraming buhay.

 

Naungkat ang isyu sa war on drugs sa Pilipinas sa ginanap na confirmation hearing ng Senate Foreign Relations Committee kay Tillerson.

 

Sa paggisa ni Florida Senator Marco Rubio kay Tillerson sinabi nito na dapat mabahala ang lahat sa isyu ng umano'y nangyayaring paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.

 

Sinabi pa nito na batay sa report ng ilang media tulad ng Los Angeles Times nasa 6,200 na raw ang mga nasawi sa madugong kampanya mula ng maupo sa puwesto ang Pangulong Duterte.

 

Pero tumanggi namang kondenahin ni Tillerson ang sitwasyon dahil kailangan pa umano ang pagkuha ng mga tunay na pangyayari sa "ground."

 

Paliwanag pa ni Tillerson, malalim ang pinagsamahan ng Amerika at Pilipinas at mahalaga na ilagay sa tamang perspektibo kung anuman ang gagawing pagpuna sa isang kaibigan na bansa.

 

Liban dito ayon pa kay Tillerson, wala raw siyang hawak na impormasyon sa ngayon tulad ng pinagbasehan ni Rubio.

 

Kung maaalala si Rubio ay naging karibal ni US President-elect Donald Trump sa Republican campaign.

 

Si Rex Wayne Tillerson na isang American businessman at naging  chairman at chief executive officer ng ExxonMobil mula 2006 to 2016 ang susunod na papalit kay US Secretary of State John Kerry sa papasok na Trump administration.

Read 198 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 16:52

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.