You are here: HomeNews UpdateTop StoriesJapan PM Abe ginawaran ng 'red carpet welcome'

Japan PM Abe ginawaran ng 'red carpet welcome'

By  Bombo Reymund Tinaza Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 16:09

Mainit na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Palasyo ng Malacañang kaugnay ng dalawang araw nitong working visit.

 

Bandang alas-3:35 ng hapon dumating sa Palace grounds sina Prime Minister Abe na agad na sinalubong ng welcome ceremony sa pamamagitan ng PSG honor guards.

 

Sa seremonyas, ginawaran ng 21-gun salute si Abe at saka nagkaroon ng troop inspection.

 

Matapos nito, ipinakilala ni Pangulong Duterte kay PM Abe ang kanyang gabinete at saka sila pumasok na sa Palasyo ng Malacañang.

 

Nagbigay ng opening remarks ang dalawang lider sa pagsisimula ng kanilang expanded summit meeting.

 

Todo pasalamat ang Pangulong Duterte sa mga tulong mula sa Japan.

 

Ilan naman sa nabanggit ng punong ministro ng Japan ay ang kanyang pagsuporta sa chairmanship ng Pilipinas ngayong taon sa ASEAN Summit.

 

Samantala ang maybahay ni Abe na si Madam Akie ay may hiwalay namang schedule na dumiretso kaagad matapos lumapag sa NAIA.

 

Bukas ng Biyernes ay muling magkakasama ang pangulo at si Abe sa Davao City.

Read 126 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 16:16

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.