You are here: HomeNews UpdateTop StoriesSignal jammer gagamitin sa Sinulog fest sa Cebu

Signal jammer gagamitin sa Sinulog fest sa Cebu

By  Bombo Cebu Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 11:22
Signal jammer Signal jammer

CEBU CITY - Isinasapinal na ang paglagay ng signal jammer device sa darating na Sinulog Festival 2017.

 

Kinumpirma ito ni Konsehal Dave Tumulak, ang Deputy Mayor for Police Matters at Committee Chairman on peace and Order sa Cebu.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Tumulak, sinabi niya na napagkasunduan na ito ng mga otoridad at lokal na pamahalaan


ng Cebu na una namang inaprobahan ng telecommunications company.


Ngunit pag-uusapan pa kung anong oras ito ipapatupad at kung saang ruta.

 

Kaugnay nito, inimbitahan na rin nila ang mga eksperto tungkol dito.
 
Subalit nilinaw naman ng konsehal na hindi apektado ang lugar na hindi madadaanan ng parada.

 

Muling siniguro ni Tumulak na magiging ligtas at mapayapa ang pagdiriwang ng Sinulog 2017.

 

Taliwas naman sa nakatakdang pagpapairal ng signal jamming una nang inihayag ng Police Regional Office director C/Supt. Noli TaliƱo na wala silang natatanggap na direktang banta sa terrorismo sa lalawigan.

 

Habang nilinaw din ng konsehal na walang katotohanan ang mga kumalat sa social media na may banta ng pagpapasabog sa lungsod ng Cebu.

 

Hinikayat ni Tumulak ang mga tao na 'wag hindi basta-basta maniwala sa mga ikinakalat sa social media at mga text dahil tanging ang mga pulis ang makakapagkumpirma.

 

Gayundin makapagbibigay ng babala sa mga tao kung may mga banta nga sa seguridad.

Read 150 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 14:20

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.