You are here: HomeNews UpdateTop StoriesSSS contribution hike ng members, ligal - Valdez

SSS contribution hike ng members, ligal - Valdez

By  Bombo Reymund Tinaza Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 12:42

Pinabulaanan ng Social Security System (SSS) ang naging pahayag ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon na ang pagtataas ng kontribusyon ng SSS ay mali at iligal.


Magugunitang batay sa Section 4 ng Republic Act 8282, bawal magtaas sa kontribusyon kung para sa dagdag pension ng mga retiradong miyembro ng SSS.


Sinabi ni Social Security Commission Chairman Dean Amado Valdez, ang P1,000 dagdag pension na ipatutupad ngayong Enero 2017 ay popondohan ng kasalukuyang kontribusyon at kita sa investments.


Ayon kay Valdez, ang dagdag sa kontribusyon na ipatutupad ngayong Mayo ay gagamitin para palakihin ang Investment Reserve Fund, magkaroon ng mas malaking kita mula sa investments at palakasin ang buhay ng pondo ng SSS para sa mga obligasyon nito sa hinaharap.


Binigyang diin ni Chairman Valdez na handa niyang paliwanagan si Sen. Drilon at tiwala siyang hindi hahantong sa pagkakakuwestiyon sa Korte Suprema ang isyu.

Read 151 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 16:26

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.