You are here: HomeNews UpdateTop StoriesFlood alert, itinaas sa Eastern Visayas - Pagasa

Flood alert, itinaas sa Eastern Visayas - Pagasa

By  Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 12:13
Flood alert, itinaas sa Eastern Visayas - Pagasa Pagasa data

Nagtaas ng inisyal na flood alert sa Eastern Visayas dahil sa matinding buhos ng ulan na hatid ng low pressure area (LPA).


Ayon sa Pagasa, kabilang sa mga lugar na nakaranas ng malakas na ulan ang Eastern Samar, Samar at Northern Samar.


Huling namataan ang LPA sa layong 780 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.


Bagama't wala pa sa lupa, maaari umano itong maghatid ng ulan mula sa Bicol region, Visayas at Caraga region.


Sa ngayon, maliit pa umano ang posibilidad ng LPA para maging bagong bagyo sa loob ng susunod na 24 na oras.

Read 137 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 14:24

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.