You are here: HomeNews UpdateTop StoriesGen. Loot humirit pa ng one-on-one kay Duterte

Gen. Loot humirit pa ng one-on-one kay Duterte

By  Bombo Cebu Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 10:30

CEBU CITY - Inamin ng kontrobersiyal na retired PNP general at ngayon ay Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot na kasama siya sa maraming mga alkalde sa bansa na ipinatawag ng Malacanang para harapin ang Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Sa interview ng Bombo Radyo Cebu kay Loot kanyang sinabi na "there’s nothing threat, nothing significant" mula sa meeting sa pangulo.
 
Iginiit ng mayor na umapela lang umano si President Duterte sa kanila na tulungan sa kampanya sa iligal na droga.
 
Ipinakita umano sa kanila ang makapal na listahan na tinagutiang narco-list at sila na lang ang naghanap sa kanilang mga pangalan.
 
Dahil dito, humihirit si Loot ng one-on-one appointment kay Duterte sa pamamagitan ng executive assistant na si Sec. Bong Go.


Kaugnay nito, hihintayin na lang umano niya ang tawag para sa nasabing appointment.
 
Sinabi rin ni Loot na tapos na ang imbestigasyon ng DILG laban sa kanya at kampante raw siya na papabor sa kanya ang desisyon.
 
Si Loot ay isa sa mga PNP general na nasa drug watchlist at paulit-ulit na nababanggit ang kanyang pangalan sa mga public pronouncement ng presidente na kabilang sa umano'y drug protector.
 
Sinasabing mahigit sa 1,000 mga mayors ang ipinatawag kahapon ng chief executive pero may ilan din na hindi nakasipot.

Read 187 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 14:38

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.