You are here: HomeNews UpdateTop StoriesMiss U bets excited sa 'lovely stay' sa PH

Miss U bets excited sa 'lovely stay' sa PH

By  Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 07:47
Miss Kenya MARY ESTHER WERE, Miss Albania LINDITA IDRIZI & Miss Tanzania JIHAN DIMACK Miss Kenya MARY ESTHER WERE, Miss Albania LINDITA IDRIZI & Miss Tanzania JIHAN DIMACK

Hindi naitago ng ilang Miss Universe candidates ang kanilang labis na excitement sa pagdating sa bansa para sa nalalapit na 65th Miss Universe.

 

Ayon kay Miss Albania Lindita Idrizi, masaya siyang mabisita ang Pilipinas sa unang pagkakataon.

 

Ani Idrizi ay ramdam niya ang mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kanyang pagdating.

 

Samantala halos kaparehas din ng ibinigay na papuri si Miss Tanzania Jihan Dimack at Miss Kenya Mary Esther Were sa kanilang impresyon sa Pilipinas.

 

Pag-amin ni Miss Kenya na looking forward na raw siya sa kaniya raw lovely stay sa bansa.

 

"Thank you so much for having us and we're looking forward to a lovely stay," wika ni Were.

 

Ang tatlong nabanggit na kandidata ay nagsidatingan kagabi bago ang opisyal na pagsisimula ng dalawang linggong pageant.

 

Sa ngayon ay nasa 12 sa 87 na Miss Universe delegates na ang nakarating sa bansa bago ang opisyal na pagsisimula ng mga pre-pageant activities sa darating sa Sabado na tatagal ng hanggang dalawang linggo.

Read 165 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 08:02

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.