You are here: HomeNews UpdateTop Stories'Nakaka-stress habang palapit ang Miss Universe'

'Nakaka-stress habang palapit ang Miss Universe'

By  Bombo Nes Cayabyab-Mercado Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 04:58

Inamin ni Department of Tourism (DOT) Sec. Wanda Teo na nakakaramdam na ito ng stress dahil sa papalapit na coronation ng 2016 Miss Universe sa darating na January 30.

 

Sa isang panayam, inihayag ng kalihim na lagi siyang alas-5:00 ng madaling araw gumigising para sa iba paghahanda sa prestihiyosong pageant.


Gayunman, bigo raw silang maimbitahan ang Pinoy international star na si Bruno Mars para mag-perform sa grand coronation.

 

Ayon kay DOT Usec. Kat de Castro, nagkaroon kasi ng conflict sa schedule ng world tour ng "Just The Way You Are" singer kung saan ayaw daw nitong magsawa ang Pinoy fans.

 

Sa ngayon ay kanya-kanya pa ring hula ang Miss Universe fanatics kung sino ang international star na tampok sa coronation, maging ang inaasahang Pinay celebrity na magiging co-host ng kontrobersyal na si Steve Harvey.

 

Samantala, tulad sa ticket prices sa mismong coronation, panibagong pag-aray na naman ang ininda ng karamihan sa beauty pageant fanatics kaugnay sa ticket para naman sa Governor's Ball sa January 16 ng gabi.

 

Nagkakahalaga kasi ng P180,000 per table, kabilang na rito ang 10 VIP passes at ang unlimited food and wine, maliban pa raw sa malapitang makikita ang 87 official candidates.

 

Lumalabas na P18,000 ang ticket bawat tao sa isang table.

 

Una namang naiulat na nagkakahalaga ng P2,000 hanggang P50,000 ang tickets sa Miss Universe coronation.

Read 149 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.