You are here: HomeNews UpdateTop Stories'Dinagyang fest bantay-sarado vs Maute group'

'Dinagyang fest bantay-sarado vs Maute group'

By  Bombo Radyo Iloilo Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 02:46

ILOILO CITY - Ipagbabawal na ang pagdadala ng mga backpack sa Dinagyang Festival 2017.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Councilor Jeffrey Ganzon, chairman ng Comittee on Public Safety, Order & Security, sinabi nito na hindi maaaring magdala ng mga backpack ang mga manonood ng Dinagyang Festival dahil puwede itong magamit sa terorismo.

 

Ayon kay Ganzon, maaaring lagyan ng bomba, baril at mga patalim ang loob ng mga backpack na karaniwang ginagawa ng mga terorista sa mga matataong lugar at malalaking event gaya ng Dinagyang.

 

Maliban sa mga backpack, ipagbabawal din ang mga de latang inumin at mga glass bottles.

 

Nilinaw naman ng opisyal na ibabalik ng mga pulis ang mga makukumpiskang backpack matapos ang event.

 

Samantala, mahigpit naman ang monitoring ng Iloilo City Police Office sa posibleng paghasik ng gulo ng teroristang Maute Group sa Dinagyang Festival.

 

Napag-alaman na ang highlight ng binansagang best tourism event sa Pilipinas ay gaganapin sa Enero 22, 2017 kung saan tema ngayong taong ang "See, Feel and Love."

Read 148 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.