You are here: HomeNews UpdateTop StoriesPinay na na-gang rape sa Saudi, nagpapasaklolo
Error
  • JUser: :_load: Unable to load user with ID: 574

Pinay na na-gang rape sa Saudi, nagpapasaklolo

By  Bombo Radyo GenSan Posted in Top Stories Wednesday, 11 January 2017 23:55

GENERAL SANTOS CITY - Umiiyak na humihingi ng tulong sa Bombo Radyo GenSan ang isang Pinay OFW sa Dammam, Saudi Arabia, matapos umanong dukutin at pinagtulungang gahasain ng tatlong hindi kilalang mga kalalakihan.

 

Sa pagkakataong ito ay nakahanap ng pagkakataon si alyas Grace, taga-North Cotabato, na isa umanong "TNT" sa nasabing bansa, kaya't nakatawag sa Bombo Radyo GenSan.

 

Aniya, nagbakasyon ang kanyang amo sa Europe subalit bago ito umalis ay nangakong tutulungan siyang makauwi na ng Pilipinas.

 

Subalit nagkasakit at na-ospital umano si alyas Grace, at nang makalabas ay nakatakda sanang sunduin ng isang kaibigan na doon din nagtatrabaho.

 

Subalit may dalawang foreigner umano ang lumapit sa kanya at nagpakilalang pulis.

 

Pinilit umano siya ng naturang mga lalaki na sumama sa kanila, at dinala sa isang bahay kung saan siya makailang ulit na pinagtulungang gahasain.

 

Kinabukasan ay may isa pa umanong dumating at sumali na rin sa panggagahasa sa kanya.

 

Dinala rin umano siya ng tatlong suspek sa isang oil company kung saan siya ulit pinagtulungang gahasain, kasama ang iba pang mga kalalakihan.

 

Kinuha umano ng mga suspek ang kanyang mga gamit pati mga cellphone.

 

Subalit mabuti na lamang at may isa pang natira na kanyang ginagamit ngayon sa pag-contact sa himpilan, at sa iilang kakilala upang humingi ng tulong.

 

Sa ngayon nakakulong pa rin umano si "Grace" sa naturang hideout ng mga suspek, at umaasang sa lalong madaling panahon ay ma-rescue at makauwi ng bansa lalo pa't may dinaramdam pang sakit.

Read 302 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.