You are here: HomeNews UpdateTop StoriesPalasyo, nag-urong sulong sa imbitasyon kay VP

Palasyo, nag-urong sulong sa imbitasyon kay VP

By  Bombo News Team Posted in Top Stories Wednesday, 11 January 2017 19:14
Robredo Robredo

Nag-urong sulong ang Malacañang sa imbitasyon kay Vice President Leni Robredo para sana sa New Year Vin D' Honneur ngayong araw sa Palasyo.


Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, ang hindi pagdalo ng bise presidente sa taunang okasyon kasama ang mga miyembro ng diplomatic corps ay hindi personal choice ni VP.


Ayon pa kay Hernandez, nakatanggap sila ng imbitasyon sa pamamagitan ng email noong December 28, 2016 , pero noong January 4, 2017 ay tumawag aniya ang Office of the President para bawiin ang nasabing paanyaya.


Sinabi ni Hernandez na idinahilan ng Malacañang sa pagbawi ang limitadong guest list at espasyo para sa naturang aktibidad.



Read 148 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.