You are here: HomeNews UpdateTop Stories'Dagdag kontribusyon para sa pension hike, illegal'

'Dagdag kontribusyon para sa pension hike, illegal'

By  Bombo News Team Posted in Top Stories Wednesday, 11 January 2017 19:07

Nagbabala si Senate Pro Tempore Franklin Drilon sa Social Security System (SSS) na baka mauwi sa problema ang pagpapataw ng dagdag na kontribusyon para sa mga miyembro nito.


Ayon kay Drilon, base sa Republic Act No. 8282 o mas kilala bilang Social Security Law, malinaw na ipinagbabawal ang anumang premium rate increase para lang magkaroon ng dagdag na benepisyo.


"The increase in SSS premium to support the increase in pension is invalid and illegal," wika ni Drilon.


Para kay Drilon, mainam ang dagdag na pensyon ngunit obligasyon din ng mga nasa likod ng pagpapatupad nito na mapairal ng wasto ang sariling patakaran ng SSS.


Sinusugan naman ni Sen. Bam Aquino ang pahayag ni Drilon ukol sa nabanggit na isyu.


Sana raw ay dumaan sa tamang konsultasyon sa mga miyembro ang anumang planong pagbabago ng SSS officials.

Read 271 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 00:37

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.