You are here: HomeNews UpdateTop StoriesRH Law implementation pirmado na ni Duterte

RH Law implementation pirmado na ni Duterte

By  Bombo Reymund Tinaza Posted in Top Stories Wednesday, 11 January 2017 16:02

Nakatakdang magsagawa ang Malacañang ng full-implementation ng Reproductive Health Program sa kabila ng matinding pagtutol ng ilang grupo.


Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Ernesto Pernia, napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) para ipatupad ang Reproductive Health (RH) Law.


Ayon kay Sec. Pernia, ilang taon nang natengga ang batas dahil sa temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Korte Suprema matapos kuwestiyunin ito ng ilang grupo.


Binigyang-diin ni Pernia na ang RH Law ay hindi anti-life kungdi ito ay pro-women dahil mapapangalagaan ang kalusugan ng mga ina at mabawasan ang mataas na bilang ng teenage pregnancies.


Maliban dito, sinabi ni Pernia na hindi rin ito anti-poor kundi kabaligtaran dahil kung kaunti ang anak ay hindi makakaranas ng kahirapan ang isang pamilya.

Read 237 times Last modified on Wednesday, 11 January 2017 17:28

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.