You are here: HomeNews UpdateTop Stories20 pulis-Bacolod, isinabit sa payola ng drug lord

20 pulis-Bacolod, isinabit sa payola ng drug lord

By  Bombo Radyo Bacolod Posted in Top Stories Monday, 09 January 2017 23:23

BACOLOD CITY – Tinatayang 20 kasapi ng Philippine National Police (PNP) ang kabilang diumano sa mga tumatanggap ng suhol mula sa drug lord ng Bacolod na si alias Beria.

 

Ito ang inilantad ng sinasabing right hand at bagman ni alias Beria na si Ricky Serenio na naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa salang grave coercion kahapon ng umaga.

 

Sa pagtatanong ng pulisya, sinabi diumano ni Serenio na karamihan sa 20 tumatanggap ng payola ay pawang opisyal pa.

 

Napag-alamang si Serenio ang nagsisilbing “delivery boy” o tagahatid ng perang suhol sa mga protektor ng illegal gambling operations sa Bacolod.

 

Samantala, sinasabing may mga kasapi pa ng media na ikinanta si Serenio.

Read 254 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.