You are here: HomeNews UpdateTop Stories'Paninirang-puri kay Clinton, utos daw ni Putin'

'Paninirang-puri kay Clinton, utos daw ni Putin'

By  Posted in Top Stories Saturday, 07 January 2017 07:47
'Paninirang-puri kay Clinton, utos daw ni Putin' Photo by: AP

WASHINGTON - Pinagtibay ng US intelligence ang kanilang akusasyon sa Russia na tinulungan diumano ni Russian President Vladimir Putin si US President-elect Donald Trump upang manalo ito sa nagdaang presidential election sa Amerika.
 
Batay ito sa assessment ng US inteligence na sinabing may hawak silang ebidensya na magpapatunay  na personal daw na iniutos ni Putin na pakialaman ang halalan upang siguraduhin ang panalo ni Trump.
 
Kabilang umano sa naturang kampanya nila laban sa mga Democrats ay ang hacking sa Democratic groups at sa mga miyembero nito kabilang na si dating presidential nominee Hillary Clinton at campaign chairman na si John Podesta.

 

Layon daw ng Moscow na mawalan ng tiwala ang publiko sa U.S. democratic process at siraan ang imahe ng dating secretary of state.

 

Dahil dito ay paniguradong mahihirapan daw ang dating first lady na manalo sa halalan.


Saad pa ng US intel na kumpyansa sila sa mga ibinibintang laban sa Russia.

 

"We assess Russian President Vladimir Putin ordered an influence campaign in 2016 aimed at the US presidential election," sambit ng US intel. "We further assess Putin and the Russian Government developed a clear preference for President-elect Trump. We have high confidence in these judgments," dagdag pa nito.
 
Naniniwala rin sila na bahagi kampanya ng Russian military intelligence laban sa Democrats ay ang paglabas sa WikiLeaks ng mga emails ni Clinton na target din daw ang mga major US political party.
 
Sa kabila nito ay paulit-ulit pa rin na itinatanggi ng Russia sa mga alegasyon ng US govenment kaugnay sa vote hacking issue sa eleksyon nito.

Read 197 times Last modified on Saturday, 07 January 2017 09:44

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.