You are here: HomeNews UpdateTop StoriesInjuries sa Bicol bumaba dahil kay 'Nina' - DOH

Injuries sa Bicol bumaba dahil kay 'Nina' - DOH

By  Bombo Legazpi Posted in Top Stories Thursday, 29 December 2016 10:00

LEGAZPI CITY - Positibo ang pananaw ng Department of Health (DOH) Regional Office-5 sa kabila ng iniwang pinsala ng bagyong Nina sa sektor ng agrikultura at edukasyon sa Bicol region.

 

Kaugnay ito nang naitalang pagbaba ng kaso ng firecracker-related injuries sa rehiyon kung saan isa sa mga tinitingnang rason ang nagdaang sama ng panahon.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Napoleon Arevalo, regional director ng DOH-5, inihayag nito na dahil sa naturang sama ng panahon, nabaling ang atensyon ng mga Bicolano sa paghahanda sa pagdating ng bagyo kaysa sa pagbili ng paputok.

 

Ipinagmalaki rin nito ang 38 percent decrease sa mga naging biktima ng paputok kung ihahambing noong nakaraang taon.

 

Sa kabila nito, binigyang-diin ng opisyal na nagpapatuloy ang programa ng ahensya na Oplan Iwas Paputok dahil na rin sa 18 biktima ng firecrackers simula noong December 22.

 

Pinayuhan din ni Arevalo ang publiko na unahin na lamang ang kanilang pangangailangan sa araw-araw na pamumuhay kaysa pagbili ng paputok lalo na ngayon na matindi ang pinsalang iniwan ni 'Nina" sa rehiyon.

 

Pinag-iingat din nito ang mga Bicolano sa pagkakaroon ng sunog dahil hindi pa naibabalik ang supply ng kuryente sa rehiyon dahil sa daan-daang poste na sinira ng bagyo.

Read 123 times Last modified on Thursday, 29 December 2016 14:12

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.