You are here: HomeNews UpdateTop Stories'Nina,' lumawak pa bago ang landfall sa Bicol

'Nina,' lumawak pa bago ang landfall sa Bicol

By  Posted in Top Stories Sunday, 25 December 2016 16:46

Umaabot na sa 500 kilometro (diameter) ang lawak ng bagyong Nina, ilang oras bago ang inaasahang landfall nito sa Catanduanes.


Kaya naman, mas maraming lugar na ang isinailalim sa tropical cyclone signals.


Ayon kay Benison Estareja ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng typhoon Nina sa layong 65 km silangan timog silangan ng Virac, Catanduanes.


Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 kph at may pagbugsong 225 kph.

 

Signal No. 4: Catanduanes at Camarines Sur

 

Signal No. 3: Burias Island, Albay, Camarines Norte, southern Quezon, Sorsogon at Marinduque

 

Signal No. 2: Metro Manila, Masbate, kasama na ang Ticao Island. Or. Mindoro, Batangas, Laguna, nalalabing parte ng Quezon kasama na ang Polillo Island, Occ. Mindoro, pati ang Lubang Island, Bataan, Bulacan, Northern Samar, Romblon, Cavite at Rizal

 

Signal No. 1: Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Tarlac, Calamian Group of Islands, Aklan, Capiz, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte at Bantayan Island

Read 194 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.