You are here: HomeNews UpdateTop StoriesSignal No. 4, nakataas na sa Catanduanes

Signal No. 4, nakataas na sa Catanduanes

By  Posted in Top Stories Sunday, 25 December 2016 11:08

Nagtaas na ang Pagasa ng tropical cyclone signal number four (4) sa Catanduanes dahil sa typhoon Nina.


Signal number three (3) naman sa Burias Island, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Southern Quezon.


Signal number two (2) sa Masbate kasama ang Ticao Island, Sorsogon, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, nalalabing bahagi ng Quezon kasama na ang Polillo Island, Marinduque, Romblon at Northern Samar.


Habang signal number one (1) sa Metro Manila, Bataan Rizal Occ. Mindoro, kasama na ang Lubang Island, Nueva Ecija, Aurora Southern Quirino, Southern Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Cavite, Aklan, Capiz, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte at Bantayan Island.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 150 km silangan ng Virac, Catanduanes.

 

Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 kph at may pagbugsong 225 kph.

 

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.

 

Inaasahang tatama ang sentro ng bagyo sa Catanduanes sa mga susunod na oras, bago tatagos sa iba pang lalawigan ng Bicol region.

Read 568 times Last modified on Sunday, 25 December 2016 11:36

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.