You are here: HomeNews UpdateTop StoriesLatest News'Bagyong Fabian, lalabas na rin ng Phl'

'Bagyong Fabian, lalabas na rin ng Phl'

By  Posted in Latest News Thursday, 20 June 2013 18:10
Bagyong Fabian Bagyong Fabian Pagasa-DOST

Nilinaw ngayon ng Pagasa na hindi direktang epekto ng bagyong Fabian ang nararanasang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, partikular na sa Metro Manila at Bulacan.

 

Ayon kay Pagasa forecaster Ricky Fabregas, isolated thunderstorm at hanging habagat lamang ang nagdadala ng mga pag-ulan sa Luzon dahil malayo sa kalupaan ang naturang sama ng panahon.

 

Katunayan, Biyernes ng madaling araw ay inaasahang nasa labas na rin ito ng Philippine area of responsibility (PAR).

 

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 270 kilometro sa hilagang kanluran ng Iba, Zambales.

 

Napanatili nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras.

 

Walang inaasahang itataas na typhoon signal warning sa alinmang bahagi ng bansa hanggang sa paglabas ng bagyong Fabian.

Read 1172 times Last modified on Friday, 21 June 2013 06:04

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.