You are here: HomeNews UpdateTop Stories'Ma'am Arlene' sa NBI, uusigin' - De Lima

'Ma'am Arlene' sa NBI, uusigin' - De Lima

By  Posted in Top Stories Monday, 13 October 2014 05:51
DoJ Sec. De Lima DoJ Sec. De Lima

Agad na tiniyak ni Justice Sec. Leila de Lima na kanilang uusigin at pananagutin sa batas kung sinuman ang sinasabing case fixer sa loob ng National Bureau of Investigation (NBI).

 

Ito ang sinabi ni De Lima, kasunod ng paglitaw ng isyu ukol sa version ng "Ma'am Arlene" na case fixer ng judiciary sa tanggapan naman ng NBI.

 

Unang lumutang ang isyu matapos dumulog ang Saudi Arabian embassy sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Tourism (DoT) dahil sa nangyari umanong pangingikil sa kanilang mga nationals ng ilang NBI operatives.

 

Sinasabing hinuli sina Majdi Abdulhamed Yaghmoor, Hassand Alharbi, Ahmad Al Ghaneem at Farhan Alsolobi dahil sa immigration issues, ngunit pinakawalan matapos maibigay ang hininging pera ng nagpakilalang opisyal ng ahensya.

 

Para kay De Lima, seryosong alegasyon ito na nangangailangan ng agarang aksyon.

Read 589 times Last modified on Monday, 13 October 2014 08:54

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.