You are here: HomeNews UpdateTop Stories'Abilidad bilang Pinoy, dadalhin sa outer space'

'Abilidad bilang Pinoy, dadalhin sa outer space'

By  Bombo News Team Posted in Top Stories Sunday, 08 December 2013 04:52

Tiniyak ng kauna-unahang Pinoy astronaut na tatapak sa outer space sa 2014 na dadalhin niya ang abilidad ng kaniyang lahi sa byahe nito sa kalawakan.

 

Ayon kay Chino Roque, mahigpit na proseso ang kanilang pinagdaanan para makasama sa 21 iba pa mula sa 60 mga bansa na pinagpiliin.

 

Si Roque ay 22-anyos pa lang at nagtapos ng psychology sa De La Salle University Manila.

 

Nabatid na isa itong crossfit coach na may karanasan na rin sa ilang mga kompetisyon.

 

Sumailalim din sya sa air combat training at assault course upang lalo pang ma-develop ang kakayahan nito.

 

Ang 22 napili na makatungtong sa outer space ay sasakay sa X-COR Aerospace Lynx Aircraft sa 2014.

 

Ang byahe sa 2014 ang magsisilbing final test kung maaari nang gawing regular ang space tour sa 2015.

 

Pero aabot sa $95,000 ang kada ticket nito, maliban pa sa mga kakaibang training at kwalipikasyon na kailangang daanan bago makalipad ang sinumang interesado.

Read 683 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.