You are here: HomeNews UpdateTop StoriesZambo siege: 'Candle lighting' para sa kapayapaan

Zambo siege: 'Candle lighting' para sa kapayapaan

By  Bombo News Team Posted in Top Stories Tuesday, 10 September 2013 19:30
ZAMBOANGA CITY - Nagsagawa ng candle lighting ang maraming mga residente sa Zamboanga City upang mag-alay ng panalangin para sa maagang pagresolba sa nagaganap na standoff sa kanilang lugar.
 
Iniulat ni Bombo Marilyn delos Santos na nagtulos ng kandila ang mga residente sa gilid ng kalsada at mga bahay upang magdasal na sana'y matapos na ang karahasan at matiwasay na maayos ang gulo.
 
Nagsimula ang sabay sabay na pagsindi ng kandila para sa kapayaan dakong alas-6:00 ng gabi.
 
Nasa ikalawang gabi na ngayon ang girian sa pagitan ng MNLF fighters mula sa Misuari faction at mga tropa ng pamahalaan.
 
Muli namang ibinalik ngayong gabi ang curfew na unang binawi kaninang umaga ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco.
 
Ang curfew ay mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 bukas ng madaling araw.
 
Samantala, iniutos na rin ng alkalde ang pagbubukas muli ng serbisyo bukas ng mga tanggapan sa city hall ng Zamboanga.
 
Kaninang hapon ay nanawagan din ang mayor sa pagbubukas muli ng mga tindahan upang mabigyang pagkakataon ang mga residente na bumili ng kanilang mga supplies at mga pangangailangan.
 
Sa kabila nito, wala pa ring pasok bukas ang mga klase sa lahat ng lebel dahil sa umiiral pa ring tensyon.
 
Ang ilang paaralan sa barangay na inukupahan ng MNLF forces ay pinagkanlungan ng mga rebelde.
 
Una nang idineklara ni DILG Sec. Mar Roxas na contained lamang sa limang mga barangay ang pinagtataguan ng supporters ni Misauri at hindi na raw ito kakalat pa sa ibang mga lugar.
 
 
Read 876 times Last modified on Tuesday, 10 September 2013 21:02

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.