You are here: HomeNews UpdateTop Stories'Biktima ng kalamidad, dapat saklaw ng CCT'

'Biktima ng kalamidad, dapat saklaw ng CCT'

By  Posted in Top Stories Wednesday, 14 August 2013 00:41

Isinulong sa Senado ang pagpapalawak ng saklaw ng umiiral na Conditional Cash Transfer (CCT) program na hindi lamang basta tutulong sa mga mahihirap na kababayan kundi maging sa mga sinalanta ng kalamidad.

 

Ayon kay Senate Majority Leader Sen. Alan Peter Cayetano, kailangan magkaroon ng mekanismo ang gobyerno na maliban sa tulong na relief goods ay pagkalooban din tulong ang mga kababayan na makaahon mula sa pananalasa ng bagyo.

 

Mungkahi ni Cayetano, dapat bumuo ang pamahalaan ng second-tier program na tatawaging CCT 2, kung saan dito magbibigay ang gobyerno ng kapital sa mga sinalanta ng kalamidad tulad ng pagpapatayo ng maliit na negosyo upang sila ay makapagsimulang muli.

 

Binigyang-diin ng senador na taun-taon ay halos 20 bagyo ang humahagupit sa bansa at ang pinakahuli rito ay ang bagyong Labuyo kung saan daang milyon piso ang halaga ng pinasala sa mga ari-arian at kabuhayan ng mga kababayan maliban pa sa imprastraktura at agrikultura sa Northern Luzon.

Read 532 times Last modified on Wednesday, 14 August 2013 00:43

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.