Latest News
- P32-M pinsala sa malaking sunog sa 3 barangay sa Tacloban
- INC talks ni P-Noy, kinampihan ng oposisyon sa Senado
- Naaantalang peace talks, kasalanan ng CPP-NDF - Palasyo
- Tupas at Fariñas para sa closing argument - prosec
- PCG, pinaigting na ang paghahanap sa PAF pilots
- Mga senador, itinangging nilapitan ng INC
- Seguridad, hihigpitan sa pagtestigo ni Corona sa Senado
- Kaguluhan sa Lady Gaga concert, di papayagan - Palasyo
- Walang masama sa pag-lobby ng INC para kay Corona - bishop
- P5-M na nagastos ng prosekusyon sa impeachment vs Corona - Kamara
Donaire-Vazquez Tale of the Tape
Vasquez at DonaireLiban sa misyon na maiuwi sa Pilipinas ang ikaapat na titulo, hangad din ni three-division world champion Nonito Donaire Jr. na turuan ng leksiyon sa kanilang laban ngayong araw ang dating Puerto Rican champion na si Wilfredo Vazquez Jr. sa Alamodome, Texas.
Matapos ang weigh-in, tiniyak ni Donaire na handa na siyang makipagbasagan ng mukha kay Vazquez.
Gigil umano siya na turuan ito ng leksyon dahil sa pagiging mayabang.
|
121.6 |
Weight |
122 |
| 29 |
Age |
27 |
| 5'7" |
Height |
5'5" |
| 66" |
Reach |
66" |
|
21-1,18KO |
Ring
Record |
27- 1,18KO |
Inamin ni Donaire na ngayon lamang siya nagalit ng husto matapos siyang asarin sa ginanap na sa press conference kung saan tinanggal ni Vazquez ang kaniyang sombrero.
Sa kabila nito, naisip pa rin ni Donaire na kahit nainsulto siya ay hindi siya dapat magpaapekto ng emosyon at dapat na manatili ang kanilang game plan.
Para naman kay Top Rank promoter Bob Arum, asahan na ang exciting na laban dahil may istilo rin si Vazquez na sugod ng sugod.
Malaki aniya ang tyansa na ma-knockout ni Donaire si Vazquez dahil pareho silang may diskarte.
Bagamat ang main event sa bakbakan ay sa WBC middleweight title fight sa pagitan nina Julio Cesar Chavez Jr at No.1 ranked Marco Antonio Rubio, mistulang naagaw daw ng Donaire-Vazquez fight ang limelight.
Nagpadagdag pa sa atensyon ang muntik na nangyaring suntukan sa pagitan nina Nonito at Vazquez Jr sa press conference.
Liban dito inaasahan kasi na magiging eksplosibo at exciting ang laban ng dalawa dahil sa kilala ang mga ito na mga offensive boxers.
Inaasahan din na bubuhos bukas ang mga Mexican fans dahil si Chavez Jr., na wala pang talo ay anak ng legenday boxer ng Mexico na si Julio Cesar Chavez Sr.
Samantala, kinumpirma ng manager ni Donaire na posibleng sa Pilipinas gawin ang isa sa apat na laban ngayong taon.
Una rito hiniling umano ni Donaire sa manager na si Cameron Dunkin na bigyan siya ng limang laban ngayong taon.
Pero ang aayusin umano niya ay apat na laban kung saan ang tatlo ay gagawin sa Amerika.
Una rito, nabanggit na rin umano ni Arum na posibleng mangyari ang laban ni Donaire sa buwan ng Setyembre sa Mall of Asia, Pasay City pagkatapos naman ng laban kung sakali kay Jorge Arce sa Mayo o Hunyo.
Naka-line up din sa plano ng kampo ni Donaire ay harapin ang Japanese champion na si Toshiaki Nishioka o kaya si Guilermo Rigondeax.
Ang laban ngayon ni Nonito kontra kay Vazquez Jr ay unang pag-akyat niya sa 122 pounds.
- 'Dr. Abu, Marwan killing, tagumpay vs terorismo'
- 'No pressure’ kay Cuevas o INC - Noy
- Isyu sa ill gotten wealth, tinuldukan na
- May gapangan sa senator-judges vs Corona?
- Corona impeachment trial, aabutin ng 1 taon?
- 'Ruling sa Marcos case, ginagamit vs Corona'
- 'Ill-gotten wealth issue vs CJ 'di pa nabasura'
- Hindi masisibak si Enrile - senators
- ITR ni CJ, 'di kasama sa reklamo - defense
- Depensa naghahanda sa 'explosive witness' vs CJ
- P-Noy: Corona impeachment 'malapit sa bituka'
- 'Disclosure ng SALN, may go signal kay CJ'
- LRA officials, assessors pinahaharap sa Senado
- Hirit na subpoena vs Corona family, ibinasura
- Ang Paglilitis: Corona Impeachment Trial
- Prosekusyon nakoryente sa datos - Corona
- Corona & family, pina-subpoena re: impeachment
- 'OK lang ‘overkill’ 'wag lang malusutan'
- 'Mining ban sa ComVal, mananatili muna'
- House panel, depensa, pinatatahimik sa CJ case





Philippine Peso Exchange Rate