You are here: HomeNews UpdateSports News$5-M hinihingi ni Pacquiao sa laban kay Horn, umani ng reaksyon

$5-M hinihingi ni Pacquiao sa laban kay Horn, umani ng reaksyon

By  Posted in Sports News Thursday, 12 January 2017 18:24

Umani ng samu't-saring mga reaksyon ang naging hakbang ng kampo ni eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao na paghingi nito umano ng tumataginting na $5 milyon para ituloy ang laban sa Australian boxing icon na si Jeff Horn.

 

Ayon sa ilang netizens, masyado nang nagiging demanding ang pambansang kamao.

 

May ilan namang nagsabi na napakaliit nito para patulan ni Pacquiao dahil hindi naman ganoon kakilala si Horn partikular sa Amerika.

 

Kaugnay nito, iginiit ng Canadian adviser ng senador na si Mike Koncz na hindi nila tatanggapin ang naturang halaga dahil wala pa ito sa presyo ni Pacman.

 

Dagdag pa niya, ibigay man o hindi ang naturang offer ay lalaban at lalaban pa rin si Pacquiao kung ito ang desisyon ng promoter nito na Top Rank.

 

Magugunita na nangyari na rin daw ito noon kung saan ay dinoble pa ni hall of fame promoter Bob Arum ang $5 milyon ni Pacman.

 

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring pinaplantsa ang iba pang detalye ng napipintong harapan ng dalawa.

Read 272 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.