You are here: HomeNews UpdateSports NewsLeBron at Cavs, talo na naman vs Trailblazers, 86-102

LeBron at Cavs, talo na naman vs Trailblazers, 86-102

By  Posted in Sports News Thursday, 12 January 2017 14:20

Talo na naman ang defending champion Cleveland Cavaliers sa muling pagsabak nito sa NBA hardcourt kontra sa Portland Trailblazers.

 

Butata ang Cavs simula pa lamang ng bakbakan sa court sa unang quarter.

 

Umabot na sa fourth quarter ay hindi pa rin nakahabol ang koponan sa kalamangan ng Trailblazers.

 

Bagama't naglaro para sa Cavs, hindi umubra ang 20 points, 11 rebounds at four assists ni LeBron James.

 

Nagtapos ang mainit na labanan ng dalawang koponan sa 86-102.

 

Kung mababatid, ito na ang ika-9 na pagkatalo ng Cleveland bukod pa sa nasawi rin ito kahapon laban naman sa Utah Jazz, 92-100.

Read 174 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 14:41

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.