You are here: HomeNews UpdateSports NewsThunders, wagi laban sa Grizzlies, 103-95; Wolves, panalo rin vs Rockets, 119-105

Thunders, wagi laban sa Grizzlies, 103-95; Wolves, panalo rin vs Rockets, 119-105

By  Posted in Sports News Thursday, 12 January 2017 11:59

Nagwagi ang Oklahoma City Thunders laban sa Memphis Grizzlies sa umaatikabong NBA season games.

 

Hindi pinaporma ng Thunders ang kalaban sa unang dalawang quarters ng laro.

 

Pagtungtong ng third quarter ay bahagyang nakalamang ang Memphis ng tatlong puntos subalit nagpantay pagdating ng huling laro.

 

Nakapagbigay ng 24 points at 12 assists si Russell Westbrook samantalang 13 points ang nagmula sa ibang players ng Oklahoma.

 

Tinapos ng Thunders ang kanilang sagupaan sa Memphis sa 95-103.

 

Sa ibang laro, panalo rin ang koponan ng Minnesota Timberwolves kontra sa Houston Rockets.

 

Winakasan ng Minnesota ang bakbakan sa 105-119.

 

Sawi ang Washington Wizards kontra sa Boston Celtics sa 108-117.

 

Kumamada naman ng 97-98 ang harapan ng New York Knicks at Philadelphia 76ers pabor sa Philadelphia.

 

Sa iba pang bakbakan, panalo rin ang LA Clippers sa 96-105 laban sa Orlando Magic.

Read 125 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 14:28

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.