You are here: HomeNews UpdateSports News$5-M para labanan ni Pacquiao si Horn, tinanggihan

$5-M para labanan ni Pacquiao si Horn, tinanggihan

By  Posted in Sports News Thursday, 12 January 2017 10:58

Pinabulanan ng Canadian adviser ni eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao ang isyu hinggil sa paghingi umano ng kampo nito ng $5 milyon para labanan si Australian boxing icon Jeff Horn.

 

Ayon kay Mike Koncz, hindi nila tatanggapin ang nasabing halaga dahil wala pa ito sa tunay na presyuhan ni Pacquiao kapag sumasabak ito sa ibabaw ring.

 

Aniya, doble ng naturang halaga ang makapag-uudyok sa mga kamay ng mambabatas para pumirma sa isang kontrata.

 

Masyado raw maliit ang $5 milyon para sa bentahe ng senador.

 

Paglilinaw pa ni Koncs, lalaban ang mambabatas sa 28-anyos na Australian boxer pero hindi sa ganoon na kaliit na presyo.

Read 224 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.