You are here: HomeNews UpdateSports NewsNapipintong laban ni Pacquiao sa Australia, malaking hamon vs homophobia

Napipintong laban ni Pacquiao sa Australia, malaking hamon vs homophobia

By  Posted in Sports News Thursday, 12 January 2017 09:45

Malaking hamon daw ang napipintong laban ni eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao sa Australia kung matutuloy ang bakbakan nito laban kay Australian boxer Jeff Horn.

 

Ito ay dahil sa minsang naging paninindigan ni Pacquiao noong kumandidato na tutol siya sa same-sex marriage kung saan ipinahayag din nito na "masahol pa sa hayop" ang mga indibidwal na pumapatol sa kapwa lalaki o babae.

 

Dahilan para pumalag ang Lesbian-Gay-Bisexual-Transgender (LGBT) community.

 

Pinangangabambahan na baka mahirapang gumalaw ang promoters ni Pacman sa lupain ng Australia.

 

Kilala ang bansang ito bilang isa sa mga bansang sumusuporta sa same-sex marriage.

 

Ilan sa mga sports personalities nito ang naging bukal sa kanilang kasarian gaya nina Ian Roberts at Jason Ball na sinang-ayunan pa nga ng mga kilalang sports icons na sina David Pocock at Tyson Goldsack.

 

Giit ng mga ito, tutol sila sa ano mang diskriminisasyon na idudulot ng kanilang paniniwala.

 

Ipinagpapalagay na ang pagiging homophobia umano ni Pacquiao ang magiging rason para matalo ito sa suporta sa Australia.

Read 202 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.