You are here: HomeNews UpdateSports NewsPacquiao-Horn bout, malapit nang ma-finalize

Pacquiao-Horn bout, malapit nang ma-finalize

By  Posted in Sports News Wednesday, 11 January 2017 17:23

Malapit na umanong maisapinal ang napipisil na bakbakan nina eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) at Australian boxing icon Jeff Horn (16-0-1, 11 KOs).

 

Ito ay matapos na makipagpulong ang mga kinatawan ng promoter ni Horn kay Top Rank big boss Bob Arum nitong nakaraang Lunes at Martes sa tanggapan nito sa Las Vegas.

 

Ayon kay Arum, may mga detalye pa silang dapat pagkasunduan bago ma-finalize at isara ang deal sa pagitan ng dalawang boksingero.

 

Malapit-lapit na raw sa katotohanan ang sagupaan ng dalawa sakaling makausap na rin ni Arum si Pacquaio.

 

Ang sigurado lang muna raw sa ngayon ay sa Australia idaraos ang napipintong harapan nina Pacquiao at Horn.

 

Susubuking patumbahin ng 28-anyos na si Horn ang Pinoy boxing champion na si Pacquiao para sungkitin ang WBO 147-pound title nito na nakatakda sa Abril 22.

Read 216 times Last modified on Wednesday, 11 January 2017 17:27

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.