You are here: HomeNews UpdateSports NewsMcGregor, gagawing pro-boxer sa loob ng 3 buwan

McGregor, gagawing pro-boxer sa loob ng 3 buwan

By  Posted in Sports News Tuesday, 10 January 2017 14:15

Gagawing professional boxer sa loob lang ng tatlong buwan ang mixed martial artist at Ultimate Fighting Championship (UFC) fighter Conor McGregor ng dating WBC bantamweight champion na si Wayne McCullough.

 

Ayon sa dating boksingero, ibigay lang sa kanya ng kampo ni Conor ang pagkakataon at ang naturang panahon at matuturuan niya bilang isang mahusay na boksingero ang mma fighter.

 

Giit ni McCullough, ang sparring mate ni Conor na si Chris Van Heerden ng South Africa ay hindi siya nabibigyan ng magandang istilo para sa tamang buwelo sa ibabaw ng ring.

 

Pagmamalaki pa nito na kanya nang naka-sparring si undefeated world champion Floyd Mayweather, Jr. at lumabas umano sa bibig ni Floyd na isa raw siya sa magagaling na Irish fighter na nakaharap nito kung kaya't alam niya kung papaano niya bubuuin ang isang boksingerong McGregor.

 

Mababatid na napakatagal na ng nilulutong ideya para paglabanin sina Mayweather at McGregor subalit marami rin ang mga aberyang naglulutangan.

 

Sa kabila ng mga pahayag ni UFC president Dana White na hindi maaaring lumaban sa boksing si Conor at ang pahayag naman ng tiyuhin ni Floyd Junior na hindi interesado ang kanyang pamangkin sa nasabing harapan, marami pa rin ang naghahangad na matuloy ito.

Read 164 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.