You are here: HomeNews UpdateSports NewsPacquiao-Mayweather rematch, kalimutan na

Pacquiao-Mayweather rematch, kalimutan na

By  Posted in Sports News Saturday, 07 January 2017 17:45

Dapat na raw kalimutan ang matagal nang hinihintay na muling paghaharap nina eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao at undefeated world champ Floyd Mayweather, Jr.

 

Ito ay ayon sa mismong tiyuhin ni Pretty Boy na si Jeff Mayweather.

 

Aniya, papaanong mapagbibigyang katuparan ang naturang rematch kung simula't sapul pa lamang ay hindi na tanggap ni Pacquiao na natalo siya ni Mayweather.

 

Huwag na rin umano umasa ang boxing fans na papatulan ng kanyang pamangkin ang mga panghahamon ng kampo ni Pacman dahil kuntento na raw ito sa kanyang pagkakapanalo laban sa mambabatas noong 2015.

 

Samantala, sinagot din nito ang usapin sa bangayan naman ni Floyd Junior at mixed martial artist Conor McGregor.

 

Giit niya, wala ring aasahang bakbakan sa dalawa.

 

Alam umano ni Mayweather Junior na walang binatbat sa kanya si Conor kung kaya't hindi raw nito siniseryoso ang mga patutsadahan nila sa social media.

Read 251 times Last modified on Saturday, 07 January 2017 18:21

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.