You are here: HomeNews UpdateSports NewsHorn tiwalang kayang talunin si Pacquiao

Horn tiwalang kayang talunin si Pacquiao

By  Bombo Jovino Galang Posted in Sports News Friday, 06 January 2017 18:04

Ipinagmalaki ni Australian boxer Jeff Horn na hindi siya mahihirapan sa pagharap niya kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao.


Ito ay matapos na i-anunsyo ni Top Rank bigboss Bob Arum na gaganapin sa Australia ang laban nila sa darating Abril 23.


Nakatakdang magtungo sa Los Angeles ang promoter ni Horn sa darating na linggo para pumirma ng kontrata sa tinaguriang biggest fight sa Australia.


Tinawag ni Horn na isang 'dream come true' ang nasabing laban niy sa fighting senator dahil sa nag-aral ito sa boxing para lamang sa kaniyang self-defense at hindi niya akalain na makakagawa siya ng pangalan.


Isang pinagmamalaki nito ay ang kaniyang edad kung saan 28 anyos lamang ito habang ang Filipino boxing champion ay 38-anyos na kung saan nakita nito na malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaban ni Pacquiao mula pa noong bata-bata pa ito. 


Ayon naman sa trainer ni Horn na si Glenn Rushton hihigitan ng kaniyang alaga si Pacquiao dahil nakita niya ang malaking potensiyal ng kaniyang alaga. 

Read 241 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.