You are here: HomeNews UpdateSports NewsEx-world chess champ Anand, tuloy na sa pagsali sa Candidates Tournament 2014

Ex-world chess champ Anand, tuloy na sa pagsali sa Candidates Tournament 2014

By  Bombo sports center Posted in Sports News Friday, 24 January 2014 15:23

Usap-usapan ngayon sa mundo ng chess ang pagkumpirma ng FIDE na tuloy na ang pagsali ng dating world chess champion na si super Grandmaster Viswanathan Anand ng India sa Candidates Tournament 2014  na gaganapin sa buwan ng Marso sa lugar ng Khanty-Mansiysk sa Western Siberia.

 

Noong nakaraang taon kasi sinabi ni Anand na hindi siya makakalahok.

 

Pero sa anunsyo ng FIDE, kabilang umano sa walong mga pangalan si Anad na nagkumpirma.

 

Ang iba pang mga bigating super grandmaster na qualifiers ay sina Vladimir Kramnik  (2787) ng Russia at world cup 2013 winner; Dmitry Andreikin (Russia, world cup 2013 finalist); Veselin Topalov ( 2785) ng Bulgaria, grand-prix 2012-13 winner; Shakhriyar Mamedyarov  (2757) mula sa Azerbaijan, grand-prix 2012-13 runner-up; Levon Aronian (2812) ng Armenia at dating Tata chess world champion; Sergey Karjakin (2759) ng Russia; Peter Svidler (2758) ng Russia na siyang  host nominee.

 

Ang 2014 Chess Candidates tournament ay double round robin sa 14 rounds.

 

Magsisimula ang eight-player tournament March 12, 2014 kung saan ang kampeon sa torneyo ay magiging challenger kay Magnus Carslen (2872) sa World Chess Championship na mangyayari naman sa  November 2014.

 

Kung maaalala noong nakaraang taon World No. 9 na si Anand (2773) ay tinalo ni Carslen.

Read 342 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.