You are here: HomeNews UpdateSports NewsPinoy fighter Harmonito De La Torre, panalo sa undercard ng Pac-Rios fight
Error
  • JUser: :_load: Unable to load user with ID: 574

Pinoy fighter Harmonito De La Torre, panalo sa undercard ng Pac-Rios fight

By  Posted in Sports News Sunday, 24 November 2013 10:10

MACAU -- Naging kontrobersiyal ang panalo ni undefeated Filipino super featherweight Harmonito De La Torre sa undercard event ng Manny Pacquiao versus Brandon Rios sa The Venetian, Macau.

Tinalo sa pamamagitan ng knockout ni De La Torre ang Indonesian rival na si Jason Butar Butar.

Sa oras na 1:23, nasungkit ng tubong-General Santos City na si De La Torre nang solid uppercut si Butar Butar.

Pero naging kontrobersiyal ang pagbagsak ng kalaban dahil sinabayan ito nang tulak ng Filipino boxer.

 

Ang 19-anyos na si De La Torre ay mayroong undefeated record na 11 fights kung saan anim ay sa pamamagitan ng knockouts.

 

Ayon sa boksingero, malaking oportunidad para sa kaniya ang mapasama sa laban ng Filipino ring icon dahil sa malawak na exposure nito.

 

Si De La Torre ay kasama rin ni Manny sa training sa Pacman Wild Card Gym.

Read 444 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.