You are here: HomeNews UpdateSports NewsGinebra vs Alaska sa PBA Commissioner's Cup Finals

Ginebra vs Alaska sa PBA Commissioner's Cup Finals

By  Posted in Sports News Sunday, 12 May 2013 22:41

Isang never say die act ang ipinamalas ng Barangay Ginebra Gin Kings sa PBA Commissioner's Cup matapos na talunin ang Talk 'N Text (TNT) Tropang Texters.

 

Mula sa 2-1 lead na kalamangan ng Tropang Texters sa best-of-five semifinal series, nagawang naipanalo ng Ginebra ang dalawang huling pinaka-importanteng laro.

 

Tinalo ng Ginebra ang TNT sa Game 5 do-or-die game sa iskor na 111-103.

 

Dahil sa panalo ng Gin Kings makakalaban nila sa championship game ang Alaska Aces na magsisimula sa Miyerkules.

 

Napiling player of the game ang point guard ng Ginebra na si LA Tenorio.

 

"This game is for LA," wika ni Gin Kings head coach Alfrancis Chua. "Pinakita niya talaga na pwede siyang maging Best Player of the Conference."

 

Mula sa 20-point lead na kalamangan ng Barangay Ginebra, nagawang habulin ng Talk 'N Text sa third quarter.

 

"Kinakabahan ko e, pero nung nakita ko yung mata ng mga players, kalmado lang sila kaya naging kalma na rin ako," ani Chua.

 

Umiskor ng 28 points si Tenorio na dinagdagan pa ng 22 points ni Vermon Macklin.

 

Sa panig ng Texters, nakapagtala ng 42 points ang kanilang import na si Tony Mitchell.

Read 977 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.