You are here: HomeNews UpdateSports NewsPre-FIBA game ng Phl vs Kazakhstan, inaabangan na

Pre-FIBA game ng Phl vs Kazakhstan, inaabangan na

By  Bombo Ronald Tactay Posted in Sports News Thursday, 25 July 2013 08:56
Matapos ang panalo sa exhibition game kagabi laban sa PBA All-Stars, pinaghahandaan na ngayon ng Philippine national basketball team ang huling tuneup game bago ang pagsisimula ng FIBA Asia Championship sa susunod na linggo.
 
Makakalaban ng Team Pilipinas ang Kazakhstan national team bukas ng gabi.
 
Ang koponan ng Kazakhstan ang sinasabing posibleng makalaban ng Philippine team sa quarterfinals ng FIBA Asia.
 
Kung maaalala sa nakalipas na international basketball tournaments ay nagharap na ang Kazakhstan at Pilipinas.
 
Tinalo ng Pilipinas ang Kazakhstan para sa bronze medal game noong 1998 Bangkok Asian Games, ngunit bumawi ang Kazakhs noong Busan Asian Games at pinahiya naman ang mga Pinoy.
 
Noong 2007 Jones Cup, dalawang beses na nanalo ang Kazakhstan laban sa Philippine Team.
 
Ang FIBA Asia Championship ay ang inaasam-asam na pangarap ng Pilipinas na makapaglaro sa 2014 World Basketball na gagawin sa bansang Spain.
 
Read 719 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.