Jeremy Lin, gagawan ng libro

NEW YORK — Hindi na lamang sa TV makikita ang bagong NBA sensation na Jeremy Lin, kundi puwede na rin itong dalhin kahit saan.

Ayon sa Hachette Book Group, nakatakda silang maglabas ng isang libro na tatalakay sa buhay ni Lin.

Pinamagatan itong "Jeremy Lin: The Reason for the Linsanity," na mismong si Timothy Dalrymple ang susulat nito.

Isasalaysay sa nasabing libro ang buhay ng 23-anyos na Asian-American mula sa kaniyang high school, college life sa Harvard University kung saan nagtapos ng kursong Economic, paglalaro sa Golden State Warriors hanggang sa biglaang pagsikat nito bilang starting guard ng New York Knicks.

Nakatakdang ilabas sa  buwan ng Mayo ang naturang libro ni Jeremy Lin. (AP)


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter