NCR, abanse pa rin sa medal tally sa SCUAA

ILOILO CITY - Patuloy na nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa medal tally sa nagpapatuloy na 2012 State Colleges and Universities Athletics Association (SCUAA) national olympics.

Ang NCR ay mayroon ng 21 gold medal, 20 silver at 18 bronze.

Pumapangalawa naman ang Region 6 o ang Western Visayas na mayroong 16 gold, walong silver at 12 bronze.

Pumapangatlo naman ang Region 4 na may siyam na gold, anim na silver at 13 bronze habang pang-apat naman ang Region 3 na may pitong gold, walong silver at anim na bronze.

Panglima naman ang CARAGA region na may dalawang gold, isang silver at dalawang bronze.

Nasa pang-anim na pwesto ang Region 1 may isang gold at tatlong silver.

Pangpito ang Region 5 na may isang gold, isang silver at dalawang bronze; pangwalo ang Region 10 na may isang gold, isang bronze; pang-siyam ang Region 2 na may isang gold; pang-10 ang Region 12; panglabing-isa ang Region 7; Region 8; ARMM; CAR at Region 11.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter