Linsanity fever, inaabangan na sa Miami

MIAMI - Inaabangan na ngayon ang Linsanity fever sa Miami.

Matapos ang laban ng New York Knicks sa Atlanta Hawks bukas, bibiyahe ang Knicks at haharapin ang pinakamainit na koponan ngayon na Miami Heat.

Ang online tickets para sa nasabing laban ay sinasabing umaabot na sa $600 (P25,800) habang ang courtside tickets ay pumapalo naman sa tumataginting na $8,000 (P344,000).

Hindi naman nababahala si Heat superstar Dwyane Wade sa umiinit na Jeremy Lin mania.

Ayon kay Wade, hindi umano tungkol kay Lin ang labanan kundi tungkol ito sa buong Nes York Knicks.

“It’s not about Jeremy Lin versus LeBron James,” wika ni Wade. “It’s the Miami Heat versus the New York Knicks.”

Kinikilala din ni Wade ang pagsusumikap na ginagawa ng 23-anyos na Asian-American para sa kaniyang koponan.

“The kid deserves it, he’s worked hard, he’s a great story,” ani Wade. “But for us, it’s another game—a big game—and a chance to get a win.”

Kabilang sa mga inaasahang nasa courtside ay si WBC welterweight champion Floyd Mayweather Jr., aty dating U.S. President Bill Clinton. (AP)


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter